Actually wala naman talagang pinya si Darna. Ang meron siya ay isang bato na lulunukin niya para maging Darna siya.
Nakuha ko ang pamagat na yan dahil sa isang Wall Photo sa Isabelino Ako Fan Page na Alamat Ng Pinya. Na ang pinya raw ay nagsimula ng may isang taong nakakita ng prutas at ang sabi ay "Uy! may pinya!"
At doon na nagsimula ang alamat ng pinya este ang kulitan ng mga Isabelino sa pamumuno ni Papa Nicko na namigay daw ng premyong Lipstick at Make-Up na hindi na niya ginagamit kaya siya ay naging DARNAAAAAA!!!(huwag mo akong iblock sa fan page ha,katuwaan lang.hihihihi)
at ni Ka Kiko na siyang pangunahing tauhan ng kuwentong ito.(bwahahahaha..tawa na lang ako)
Simple lang talaga ang kaligayahan ng mga Isabelino. Imagine dahil sa isang larawan na yan nailabas ang angking kapilyuhan ng iba(hmmm), nailabas ang singilan daw ng pagkatalo at sabihing sa BARANGAY KA MAGREKLAMO (peace KA KIKO), nailabas ang damdamin ng isa para sa isa pero wrong number daw (ikaw ba yun Jhane?hihihi) at marami pang iba.
At sa patuloy na pagbibigay ng komento si Ka Kiko naging berde na. Kumanta ba naman ng "Nagimas kan Mayyang? Ano kayang kinalaman noon sa Pinya ni Darna? Peace!!! Tuloy yung comment niya deadma (belat)
Hay naku talaga lang naman ang mga pinoy lalo ang mga Isabelino. Pero kapwa ko Isabelino hanggang dito na lang muna ha baka kasi mablock ako dito...hehehehe.
Ito para kay Papa Nicko
P- Papa Nicko, Papa Nicko
A- Ako'y nagpapasalamat
P- Page para sa Isabelino patuloy na namamayagpag
A- At patuloy mong inaabot adhikain mong matapat
N- Naging mahirap man batid kong kinaya mo
I- Isinulong ang pagtulong sa mga kapwa mo
C- Can't get enough sabi nga ni ading ko
K- Kahit na ikaw ay simpleng tao
O- On the go pa rin ang tulong mo sa kapwa mo...
Ito naman para sa iyo Ka Kiko
No comments:
Post a Comment