"WE HAD THE RIGHT LOVE AT THE WRONG TIME...."lyrics mula sa isang kanta na pinasikat ni Barry Manilow, yung Somewhere Down the Road. Elementary ako ng una kong marinig yan na kinakanta ng ate ko. Naalala ko nga tinawanan nya ako ng sabihin kong maganda yung song, na nakakainlove. Kasi naman di ko naman talaga alam ibig sabihin nung song basta nagandahan lang ako..(bwahahahahaha).
After that lagi ko ng kinakanta kahit mali mali lyrics ko. Pero di ko pa rin maintindihan,alam mo kung bakit? English kaya..hahahahaha...
Hanggang isang araw sinulat ko yung lyrics at isa isa kong tiningnan sa English-Tagalog Diksyunaryo ang mga ibig sabihin ng mga salitang yun.Naiyak ako kasi nung kinakanta ko akala ko happy ending..madi met gayam.(hindi naman pala).Sabi ko sa sarili ko hinding hindi mangyayari sa akin yun- ang magmahal sa maling pagkakataon.
Pero sadya nga yatang minsan mapagbiro ang tadhana.Dumating sa buhay ko ang nagmahal ako sa maling pagkakataon..haissssssttttt...at yun ang pinaka mahirap na sitwasyon.uray ammo yu nga agin innayat kayo nagrigat talaga..(kahit alam nyo na nagmamahalan kayo..mahirap talaga.)Pero ang maganda dun natututo tayo. Upang sa susunod na magmamahal ka alam mo na.
Pero ano nga ba ang pipiliin mo kung sakaling dumating ka sa point na yan?Ang makapiling ang isang tao sa tamang pagkakataon ngunit maling pagmamahalan o ang isang tao sa tamang pagmamahalan ngunit sa maling pagkakataon...?????
Hay nagrigat agdesisyon anya?(hay hirap magdecide anoh?)
No comments:
Post a Comment