Tuesday, November 8, 2011

MAHAL KITA...MAHAL MO SIYA

Mahal kita… salitang kaytagal kong hinintay
Na sabihin ng damdamin mong taglay
Ngunit araw, buwan, taon na ang binilang
Hindi pa rin sinasambit na ako’y iyong mahal



Ang tanging alam ko’y mahal pa rin kita
Kahit ang puso mo’y may itinatanging iba
Pagkat itong aking puso’y aking itinalaga
Na ikaw at ikaw lamang ang isisinta





Hangal na nga ang tawag ng iba sa akin
Sapagkat batid nilang hindi mo ako iibigin
Ngunit batid ko ring itong aking pagtingin
Ay hindi ko kayang sa iba ay ibaling




Ako nga siguro’y ganito na lamang
Doon sa malayo ikaw ay pagmamasdan
Itong aba kong pusong sa  iyo’y inilaan
Habang buhay nang ikaw lamang ang laman




Lagi mo lamang tatandaan, narito lamang ako
Kahit bilang isang kaibigan mo
Dahil alam kong ano man ang gawin ko
Mahal kita ngunit siya ang mahal mo…









 






Thursday, October 27, 2011

Ang Pinya ni Darna (PAPA NICKO at KA KIKO)

Actually wala naman talagang pinya si Darna. Ang meron siya ay isang bato na lulunukin niya para maging Darna siya.

Nakuha ko ang pamagat na yan dahil sa isang Wall Photo sa Isabelino Ako Fan Page na Alamat Ng Pinya. Na ang pinya raw ay nagsimula ng may isang taong nakakita ng prutas at ang sabi ay "Uy! may pinya!"





At doon na nagsimula ang alamat ng pinya este ang kulitan ng mga Isabelino sa pamumuno ni Papa Nicko na namigay daw ng premyong Lipstick at Make-Up na hindi na niya ginagamit kaya siya ay naging DARNAAAAAA!!!(huwag mo akong iblock sa fan page ha,katuwaan lang.hihihihi)




at ni Ka Kiko na siyang pangunahing tauhan ng  kuwentong ito.(bwahahahaha..tawa na lang ako)

Simple lang talaga ang kaligayahan ng mga Isabelino. Imagine dahil sa isang larawan na yan nailabas ang angking kapilyuhan ng iba(hmmm), nailabas ang singilan daw ng pagkatalo at sabihing sa BARANGAY KA MAGREKLAMO (peace KA KIKO), nailabas ang damdamin ng isa para sa isa pero wrong number daw (ikaw ba yun Jhane?hihihi) at marami pang iba.
At sa patuloy na pagbibigay ng komento si Ka Kiko naging berde na. Kumanta ba naman ng "Nagimas kan Mayyang?  Ano kayang kinalaman noon sa Pinya ni Darna? Peace!!! Tuloy yung comment niya deadma (belat)
Hay naku talaga lang naman ang mga pinoy lalo ang mga Isabelino. Pero kapwa ko Isabelino hanggang dito na lang muna ha baka kasi mablock ako dito...hehehehe.
Ito para kay Papa Nicko

P- Papa Nicko, Papa Nicko
A- Ako'y nagpapasalamat
P- Page para sa Isabelino patuloy na namamayagpag
A- At patuloy mong inaabot adhikain mong matapat

N- Naging mahirap man batid kong kinaya mo
I- Isinulong ang pagtulong sa mga kapwa mo
C- Can't get enough sabi nga ni ading ko
K- Kahit na ikaw ay simpleng tao
O- On the go pa rin ang tulong mo sa kapwa mo...

Ito naman para sa iyo Ka Kiko

Friday, September 23, 2011

YOU'REYOU

Before you came in my life, I was a mess.
I was afraid to love again.
But the moment we talked,
I heard a whisper that says, "TRY ONCE MORE".

So, I took all the risks and loved you.
Hoping that you are someone I can trust to.
As the days go by, you are showing me,
how beautiful life is...
And how wonderful it is to be loved by you...

Friday, August 26, 2011

INGATAN ANG BALLPEN

Kapag walang ballpen, walang notes.
Kapag walang notes, walang pag-aaral.
Kapag walang pag-aaral, walang diploma.
Kapag walang diploma, walang trabaho.
Kapag walang trabaho, walang pera.
Kapag walang pera, walang pagkain.
Kapag walang pagkain, magugutom.
Kapag nagutom, papayat.
Kapag pumayat, papanget.
Kapag pumanget, walang syota.
Kapag walang syota, walang asawa.
Kapag walang asawa, walang anak.
Kapag walang anak, madidipres.
Kapag na dipres, magkakasakit.
Kapag nakasakit, mamamatay ka.
Kapag namatay ka wala ka na..



KAYA INGATAN ANG BALLPEN....

Tuesday, July 26, 2011

Give Me A Title

I'm about to sleep na kasi its 1:38 a.m.  na here kaso may biglang sumulpot sa utak ko pero kaso din wala akong maisip na pamagat kaya yan na lang.
Yun yata yung tinatawag nila na spur-of-the-moment?hahahha.hope so..
Let us talk about LOVE AND HATE. About HAPPINESS AND PAIN. About HUMILITY AND PRIDE...

LOVE AND HATE
I started loving when i found out that it's the greatest thing on earth.Naalala ko pa nga I was six when my Lolo taught me of John 3:16.It's all about LOVE that saved us. It's all about Love why I am here.Kasi nagmahalan ang mga magulang ko. At dahil na rin sa pagmamahalan na yan na nakita ko sa kanila at a very young age nangarap ako na one day magkakaroon din ako ng isang FELICIANO(my father) sa buhay ko.hahahaha.Nakakahiya mang aminin grade 4 lang ako nun.
Pero wala naman sa edad yan di ba? (nangatwiran talaga)
Pero ang masasabi ko lang, yun ang ulitimate dream ko nun. Kasi nakita ko kung gaano kasaya si Nanay nun kahit pa ang ulam namin eh pritong talong lang. Kahit na maraming kulang sa buhay namin when it comes to material things but because of the LOVE they have for each other, napupunan yung mga kulang sa buhay namin and for me that's what matters most.
Hanggang dumating yung time na nagka first boyfriend ako...si Allan.Sobrang saya ko nun sa pag-aakalang sya na nakalaan para akin.To cut the story short kasi wala akong maalalang good memories eh, our relationship lasted for only 1 year.At may isa pang dumating hanggang ikasal ako.Sabi ko natupad na ang pangarap ko kasi ito na yun oh.He is mine forever na.Pero hindi nga natin hawak ang pwedeng mangyari bukas.
Maraming nangyari until one day I woke up na wala na yung love kundi hatred na ang nandun.Bakit kaya ganun?Bakit pag nagmahal ka kailangan mong masaktan?Sabi ng isang kaibigan ko, "YOU WILL NEVER KNOW IF YOU TRULY LOVE IF YOU DON'T GET HURT''..


Bakit ka pa magmamahal kung in the end masasaktan ka rin lang naman di ba? Bakit hindi pwedeng puro love na lang wala ng hate? haist!!!!
Pakisagot naman oh..

HAPPINESS AND PAIN

Parang love and hate, this two come together. Kasama rin ng LOVE AND HATE. Alam nating lahat yan. Kung nagmamahal ka, you are happy di ba?
Kung may hate may pain.Pero naisip ko rin yung sinabi ng friend ko.Kaya ka nga nasasaktan kasi nagmahal ka.Kung hindi ka nasaktan meaning hindi mo sya minahal.Ang gulo ano?Ako din naguguluhan.Pero paano nga ba ang maging masaya? Sa karanasan ko,isang bagay ang pwede mong gawin para maging masaya ka.LET GOD BE THE DRIVER OF YOUR LIFE.He never promised us that there'll be no rain but He promised us that there's a RAINBOW ALWAYS AFTER THE RAIN.


HUMILITY AND PRIDE

Paano ito related sa topic? Ewan ko din.hahahaha.Basta gusto ko lang isali.hahahaha.Seriuosly kasali talaga ito. Kasi sa isang relasyon lalo na kung magkaibang magkaiba ang  personality nyo ng partner mo. Hindi naman kasi maiiwasan ang away or tampuhan kaya nga maraming nagkakahiwalay kasi kulang ang pagpapakumbaba ng isa sa kanila at puro pride na lang ang pinapairal...IPRITO KAYA KITA...HMMMMMMM...
Sometimes or everytime ito talaga ang hirap tanggalin sa sistema ng bawat isa sa atin. Ako aaminin ko ganyan ako minsan lalo kung hindi ako ang may kasalanan.Kaya nga sa status ko sa FACEBOOK last week I asked my FB friends ''WHY SORRY SEEMS TO BE THE HARDEST WORD''? at ang sagot dahil sa PRIDE. As an individual yes it is hard to say I'M SORRY if there's PRIDE. Try to be humble. Try to do the first move. Kasalanan mo man o hindi. Because for every good thing you do, there's a corresponding reward.Huwag mong hayaang kainin ka ng PRIDE mo.Babagsak ka lang. You will have no one at the end except yourself.SO HUMBLE YOURSELF...

Wala akong maisip na song. Ito kasi ang song na pinakikinggan ko ngayon....(^_^)








Saturday, July 23, 2011

MAKUNTENTO KA KASI

Madalas ko yan naririnig sa ate ko nung nasa elementary ako kapag humihingi ako ng baon ko kay Nanay.Kasi mula grade 1 hanggang grade 3 ang baon ko isang Hazel Peanut Biscuit o kaya isang Skyflakes, 2 pesos at Bear Brand na gatas na nasa baunan ko ng tubig. (hahaha...may gatas pa sa labi)(^_^)

Lagi kasi akong nagrereklamo sa Nanay ko kaya isang araw, sa galit nya kakareklamo ko. Hindi nya ako pinapasok eh my quiz ng araw na yun.Pinalo pa ako ng tsinelas. Pagdating ni ate galing school alam na nya kung bakit di ako pumasok. Parang sirang plakang namutawi sa bibig nya ang pambansang linya nya sa akin. "MAKUNTENTO KA KASI SA KUNG ANONG MERON,HINDI KA MAYAMAN ADING"
At habang nagkakaisip ako dala-dala ko ang salita nyang iyon at dumating sa puntong naitanong ko rin sa sarili ko kung bakit kaya ang ibang tao hindi marunong makuntento sa kung ano ang mayroon sila.
GUSTO MO NG EBIDENSYA???
Gaya na lang halimbawa sa POLITIKA.  Maraming KURAKOT(bato-bato sa langit....hahahahaha) kasi hindi sila kuntento sa sahod nila kaya pati pera ng bayan ninanakaw.
Sa SCHOOL.  Maraming may kodigo kasi hindi sila kuntento sa pasang awa lang kasi hindi sila matalino.
Sa PAMILYA. Lalo na sa mga mayayaman at maraming ari-arian. Naglalamangan sila kasi hindi sila kuntento na maliit lang makukuha nila sa hatian.
O kahit sa mga sitwasyon natin sa buhay. Maraming nagrereklamo sa mga traffic, sa mga pagkain, sa mga damit, sa mga gadgets, at iba pang maliliit na bagay na imbes ipagpasalamat na lang eh nagrereklamo pa. Bakit hindi mo subukang tumingin sa  paligid mo para makita mo na mas swerte ka pa rin dahil hindi lahat ng tao mayroon ang mga meron ka. Kaya kung ako sayo BE CONTENTED.

Ito ang pinakagrabe...ooooopppppssssss......
THE FOLLOWING INFORMATION IS NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS, PARENTAL GUIDANCE IS RECOMMENDED....
HAHAHAHHA...
Sa isang RELASYON...
Bakit nga ba maraming nagkakahiwalay kahit pa ilang taon na ang pinagsamahan ng dalawang taong involved sa relasyon na yun?
Bakit nga ba kahit mahal na mahal nyo ang isa't isa ay dumarating pa rin yung time na sasabihin ng isa sa inyo na "I'M SORRY, I JUST NEED SOME SPACE"?
Bakit kaya kahit alam mong ibinigay mo na ang lahat sa kanya, isang araw nagtext or tumawag siya sayo para lang sabihing..''PASENSYA KA NA HA, HINDI NA KASI AKO MASAYA''.
Bakit ba nagagawa ng ibang makipagrelasyon sa hindi lang dalawa minsan higit pa kahit alam nya sa sarili nyang may karelasyon na siya?
Ilan lang yan sa mga tanong sa mga hindi naging successful na relasyon.
Ang sagot ko sa mga yan...??? ISA SA KANILA HINDI KUNTENTO..

ELABORATE?
Ok. Kung kuntento ka hindi mo kailangan ang SPACE kasi enough na siya.
Kung kuntento ka. Bawat segundo, bawat minuto at bawat oras na kasama mo sya o kahit pa malayo kayo sa isa't isa hindi mo mararamdamang malungkot ka kundi lagi kang masaya kasi alam mo sa puso mo na mahal mo siya.
Kung kuntento ka hindi mo maiisip magkaroon ng relasyon ng higit sa isa.
Alam mo nakakaBADTRIP ka. Ano kaya ang pakiramdam mo kung sayo yun ginawa? May kasabihan tayo. ''HUWAG MONG GAWIN SA KAPWA MO ANG AYAW MONG GAWIN SAYO''.
Kaya huwag mong hintaying sayo yun mangyari.
MAKUNTENTO KA
MAKUNTENTO KA
MAKUNTENTO KA
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
At sa iba. Matutunan mo sanang ipagpasalamat ang lahat ng mayroon ka kasi lahat ng sobra masama. At isa pa hindi tayo permanente sa mundong ito.At lahat ng mayroon ka ngayon hindi mo yan madadala sa pupuntahan. SO BE CONTENTED...
Hope this video will help you na maisip na tama ako.Enjoy watching...



Tuesday, July 19, 2011

BATO-BATO SA LANGIT...ANG TAMAAN MABUBUKULAN...(KAYABANGAN)

Hay alam nyo ba na ang pinakamahirap na part sa pagsusulat eh ang mag-isip ng taytel..Sus sumasakit ulo ko dyan. Kung hindi ko lang talaga mahal si Pritsi hindi na ako magsusulat ulit. Pero salamat gayyem(kaibigan) kasi ginising mo writing power ko..(bwaahahahahaha).Isa ka sa dalawang followers ko...hahahha. Dami nyo..At isa ako sa ilang followers mo? Nweiz pasensya ka na ah kasi ito ang topic ko. Naiinis kasi talaga ako kay aswang.(opppssss... sita lang met makaammo nu sinno isu na db?)Ok ito na yun..

 "Hindi porke successful ka na...magyayabang ka na?"...Status ko yan sa Facebook kahapon. Salamat kay Aswang may topic na ako.hahahahaha. Marami sa atin ang nakakahabilo ng mga ganyang tao db? Huwag na tayong mag deny kasi kaliwa't kanan, likod at harap o kahit saan mo pa ibaling ang paningin mo may mga taong ganyan sa paligid mo.  Karamihan sa kanila yung mga nakapag-aral at nagkaroon ng magandang trabaho...Hay d naman masamang magyabang kaso ILUGAR MO NAMAN....

Sabi nga ni Pritsi sa akin dapat nga kung sino ang may pinag-aralan yung ang mas dapat umintindi pero BILOG talaga ang mundo. kasi mas malawak pa pang-unawa ng mga taong d nakapag-aral kesa sa may pinag-aralan.. Bato-bato sa langit, ang tamaan mabubukulan.

Hay kaya ayaw kong magsulat eh, lumalabas ang pagiging BRUTAL KO. Hmmmm...

KAYABANGAN....

Yan ang nagpapabagsak sa isang tao. Yan ang ang isang dahilan kung bakit minsan pakiramdam natin walang totoong tao sa paligid natin..(Kung mayabang ka,try mo isipin sinasabi ko).
Db?
May kaibigan akong ganyan(kaibigan ko nga ba?)hahhaha. Pag nagkwento puro kayabangan. Pag nag react puro kayabangan. Pag sumita puro kayabangan...Hay PURO SYA KAYABANGAN... EH ano college graduate daw eh. May pinag-aralan daw eh. SO?... Wa ako keber.
Sorry gagayyem. Ngem nu matamaan ka ket sika adiay NALASTOG ha.(sorry mga friends pero kung tinamaan ka, ikaw yung MAYABANG)
STOP NA NGA MUNA DITO.. UMIINIT BUMBUNAN KO..

OY PRITSI ITO NA LANG MUNA FRIEND...Naughty na naman mind ko...hahahahhaha... Baka makasupalpal na naman ako ng tao...

AS IF TATAMAAN SYA, EH MAYABANG NGA EH..NAMAN...

wala akong maisip na song eh kaya ito na lang...